(KOLUM) BALIKTANAW
IKA -5 TAON NG
11/11/14
AMPATUAN MASSACRE
KAMUSTA NA ?.
NI: Michael “Mitch”
C. Santos
SUBIC BAY PILLARS
MALAPIT nanaman ang
Nobiyembre 23 sino ba ang nasa alagad nang pagbabalita o midya ang
makakalimot sa araw na ito.
Nobyembre
23, 2009 ng nangyari ang karumal-dumal na krimen sa kasaysayan ng
Pilipinas, ang Maguindanao Massacre. Ang mga suspek, ang pamilya
Ampatuan. Isa sa pinakamaimpluwensya at makapangyarihang angkan sa
rehiyon ng Mindanao. Ang mga biktima, ang pamilya ng karibal sa
pulitika na pamilya Mangudadatu at kasama ang mga media personalities
na inimbitahang i-cover ang pag-file ng pagtakbo bilang gobernador ng
probinsya ng Maguindanao na si Ismael “Toto” Mangudadatu. Ang
resulta, 58 ang patay na inilibing sa isang mass grave kasama ang mga
sasakyan.
32 sa
mga napaslang ay pawang alagad ng midya. Kung kaya' t kinilala ang
insedente bilang “pinakamalagim na araw ng kasaysayan sa
pamamahayag.” Ang masaklap mapa- hanggang ngayon, ay wala pa ring
nananagot sa kaso ng pagmasaker patuloy na naghahanap ng hustisya ang
pamilya ng mga biktima at kaming mga mamahayag.
Bago
pa man maging Presidente si Benigno 'Noynoy' Aquino III, nangako siya
na kung mauupo sa puwesto ay bibigyan ng katarungan ang mga biktima
ng Ampatuan masaker. Ngunit sa loob ng mahigit 3 taong panunungkulan
ni Aquino ay tila Hindi umuusad ang kaso, wala pa ring nananagot,
Walang katarungan.
Nangangamba
ang marami na baka, mauwi lamang ito sa wala at patuloy na mabaon sa
limot lalo na' t patuloy ang pagdagsa ng iba' t – ibang sugat at
troma sa ating bansa gaya na lamang ng mga kalamidad, iba't- ibang
krimen at malalaking awayan o anomalya sa gubyerno dahil na rin sa
kapabayaan ng iilan na mabigyan ng hustisya at katarungan ang
masamang karanasan na kumukulili sa ating isipan at damdamin. Bunsod
ng Amapatuan Massacre.
Ang hamon na lamang sa
atin, huwag sana tayong mapagod sa paggunita sa labang ito, huwag
sana tayong mawalan ng pag- asa at tiwala na mahahatulan ang
pangunahing akusado at mga kasabwat nito sa
pagpaslang sa 58 indibidwal, kabilang na ang 32 midya bago
matapos ang termino ni Pangulong Aquino sa 2016.
No comments:
Post a Comment