Followers

Thursday, June 12, 2014

LADY MANAGER NATAGPUANG PATAY




06 JUNE 14
LADY MANAGER NATAGPUANG PATAY
NI:MICHAEL “MITCH” SANTOS
SAKSI NEWS

OLONGAPO CITY – Patuloy pa ring nagsasagawa ng follow-up operation ang mga alagad ng Police ng nasabing lunsod para sa pag-iimbistiga kung sino at ano ang tunay na motibo sa pagpatay sa isang lady manager na natagpuan sa loob ng kwarto nito.
            Kinilala ng PNP Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang biktima na si Jean  Garcia 21,  nakatira  mismo sa restaurant na kanyang minamanage matatagpuan sa Barangay West Bajac-Bajac.        
            Sa salaysay daw umano ng kapatid nito na kinilalang si Jenelyn Bayla, 9:30 ng umaga  ng  araw ng Hunyo 04, taong kasalukuyan ay kanilang ginigising ang kapatid na si Garcia, malalakas na katok at tawag sa pangalan nito ngunit hindi pa rin ito tumutugon at nagbubukas ng pinto. Kung kaya't  duon na napagpasiyahan ng kapatid at mga anak ng bitima na pwersahin ng buksan ang pintuan.
            At bumungad nga sa kanilang  harapan ang wala ng buhay na si Garcia at nakabalot ang katawn nito ng bed sheet.
            Ayon sa imbistigador kinakitaan nila ito ng pamumuo ng dugo sa ibabang parte ng leeg nito na  maaring sinakal na siyang sanhi ng pagkamatay nito. Ang angulong rape ay hindi pa rin isinasantabi sa krimen.
             Nawawala rin daw umano ang pera nito na nagkakahalaga ng P8,000 at ilang personal na kagamitan nito.
            Kaugnay nito sa pakikipanyam ng SOCO sa ilang tenants dito na katabi lamang ng kwarto ng biktima ay narinig daw nila na may komosyong nagaganap sa pagitan ng 3:00 – 4:00 ng madaling araw sa loob mismo ng kwarto ng biktima ngunit hindi nila ito gaanong pinansin dahil sa pagaakalang nagtatalo lamang sina Garcia at ang anak nito.
            Ito ay patunay lamang ang patuloy na pagtaas ng krimen dito sa Ologapo City lalo na nitong sa rehimen ng bagong lokal na pamunuan.  

No comments: