Followers

Sunday, January 2, 2022

OFFICIAL STATEMENT ON THE LIFTING OF THE BAN ON OPEN-PIT MINING

 OFFICIAL STATEMENT ON THE LIFTING OF THE BAN ON OPEN-PIT MINING

By PHILIP CAMARA
+639684170548
The DENR has betrayed its developmental mission by allowing open-pit mining, coastal mining, and other extractive industries without the requisite protection of people's right to a healthy environment which is their source of good health and productivity. As the late Gina Lopez remarked upon her rejection by the Commission on Appointments: “when you make decisions based on business interest you have shirked your responsibility, you have lost the moral ascendancy to rule the government because your business and money is more important than the welfare of our people”
It is ironic that the Duterte government looks to the mining industry only as resources to pay for the bursting trillion-peso foreign debt, that only satiate their greed rather than answer to people's need. In fact, selling out our natural resources converts people's natural assets into a tormenting liability of disastrous floods, spoiled rivers and ruined irrigation systems and general misery.
Today, after four years of closure, the miners are back in full swing, hauling away Zambales land into ships bound primarily to China and also to other foreign nations. We have seen the destruction brought by mining in the towns of Sta. Cruz, down to San Marcelino, leaving the ecosystem unstable and soon to silt up rivers and lakes.
Food crops were destroyed, lands rendered barren as rivers dry up. Homes and livelihoods and the health of the ZambaleƱos are tremendously affected. We have nothing to hope for as apparently the Duterte government the promoter of any mining in the country.
Our hope is bound only to our people united in the struggle against destructive mining. We must call on all patriotic and environment-loving citizen to join in the strongest condemnation we can muster.
The time to act is now. Defend our rights to a healthy environment, it is our Constitutional right to a balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature. Terminate projects that degrade our motherland beyond repair!
We have a door opening in May 2022, let us usher in a better government and genuine Representation. Let us choose for a better environment, a better resource management, a better governance. Vote for those who will stand up for the environment, for ZambaleƱos, for the rest of Filipinos!
-----
Philip Camara was the Former DENR Undersecretary for Field Operations. He worked with the former Secretary of DENR, Gina Lopez, who issued the suspension of using Open-pit Mining Method. Before this, Philip Camara has always been Pro-Environment. He is the current CEO of Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources, Inc. or simply, Haribon. Now, Philip Camara is an Aspirant for 2nd District Representative in the Province of Zambales.
May be an image of 2 people, people standing and indoor

MGA DAMBUHALANG BUWAYANG MINERO MAY BASBAS NG BUMALIK.

MGA DAMBUHALANG BUWAYANG MINERO

MAY BASBAS NG BUMALIK.

Ni: Michael “Mitch” C. Santos

 

MGA DAMBUHALANG BUWAYANG MINERO MAY BASBAS NG BUMALIK.

Ilang lingong  nakalipas  bago matapos ang taong 2021 ay Nilagdaan ni Environment and Natural Resources  Secretary  Roy Cimatu ang isang Administratibong kautusang No. 2021 -40 na nagpapawalang bisa sa “Tigil Mina”.  Ito ang paglilinaw ni Mines and Geosciences Bureau Director Wilfredo Moncano. Sa ilang mamamahayag.

Isinulong at ipinatupad ng Gubyerno noong 2017 ang pagpapatigil sa industriya ng mga dambuhalang minahan sa bansa, sa pangunguna ng dating namayapang DENR Chief Gina Lopez. Bunsod ng kaliwa’ t- kanang batikos ng mga grupong maka- kalikasan at mamamayang labis na naapektuhan sa kapabayaan ng mga buwayang kapitalista sa industriya ng minahan.

MAS NAUNANG PAGBIBIGAY NG BASBAS NI PANGULONG DUTERTE SA MGA GANID NA LOKAL AT DAYUHANG NAMUMUHUNAN.

Nito lamang Abril 2021 ay lumagda ang Pangulong Duterte sa EO 130 na nagsasabing maaari ng umupo ang Gubyerno at ang mga namumuhunan sa pagmimina. Para sa bagong mineral agreement batay na rin sa Philippine Mining Act of 1995 at iba pang batas. Pinawalang bisa ng Administrasyon ang ipinatupad na moratorium sa pagmimina.

Kaya bago pa man ang paglagda ni DENR Sec. Roy Cimatu sa pagpapawalang bisa ng “Tigil Mina”, ay nakapag-iisyu na sila ng exploration permit batay sa sa umiiral na batas at mga pamuntunan. Ang EO 130 ay may malinaw na istraktura ng panghihikayat ng Gubyerno sa mga iresponsableng mamumuhunan sa bansa.

Habang ikinakahon nman ang kaisipan ng mga mamamayan na ang open- pit mining ay pinaka mapagkakatiwalaan sa kaligtasan ng kalikasan, tao at kabuhayan kung kaya nman ang sistemang ito nang pagmimina ang siyang ginagamit sa buong mundo.

Bukod sa ipinagmamayabang na kaligtasan, paglikha ng maraming trabaho ay makakapag ambag din daw ito sa pagbangon ng ating ekonomiya at kahirapan ng buhay ng maraming Pilipino, at paghuhugutan daw natin ito ng ipangbabayad sa napakalaking inutang  ng Gubyerno sa iba’t- ibang bansa. Bunsod ng pandemyang kinakaharap natin.

1 SAMBAYAN ZAMBALES AT PHILIP CAMARA MADIIN NA KINONDENA ANG ANG AO 2021- 40 AT AO 130. O NAGPAPAWALANG BISA SA “TIGIL MINA” AT PAGPAPAALIS SA MORATORIUM SA PAGMIMINA.

Pagtatraydor sa Bansa at Mamamayan para sa pangangalaga ng kalikasan para sa tao. Ang naging aksiyon ng DENR. Sa tila bukas palad nitong pagpapasok sa open pit mining, coastal mining at sa iba pang mapanirang industriya na walang kongkretong proteksiyon sa kalikasan para mapangalagaan ang kalusugan ng mga tao sa paligid nito at sa kanilang kabuhayan.

 

“Sa pagbuo ng desisyon at anumang batas na ang prayoridad ay kumita ng limpak ay lumalayo ka na sa iyong responsibilidad bilang gubyerno ng iyong nasasakupan at ang impluwensiya mo ay wala ng kontrol sa paggamit nito dahil sa iyong negosyo, kapital at kikitain ito na ang mas mahalaga kesa sa kapakanan ng mga tao. –  Gina Lopez  

Kakatwang isipin  ang mariing sinasabi ng Gubyernong Duterte na sa pagbubukas muli ng industriya ng mining ay makakakuha na  tayo ng pambayad sa lumobo nilang inutang, malamang mas uunahin  magpakabusog ng husto ng mga ganid at hindi rin naman nito tutugunan ang pangangailangan ng marami.  

Apat na taong mula ng maisara ang mga malalaking minahan sa Zambales. Muli ay nangangamba ang mga Zambalenyo sa muling pagbabalik ng mga dambuhalang minahan. Dahil sa pagmimina ang Kalikasan Kabuhayan at buhay ng mga nasa paligid nito ay nalalapit nanaman sa panganib di malayong muling baba mula sa kabundukan ang mga nickel laterite o ilang yaman mineral na tatabon sa malalawak na sakahan, palaisdaan, ilog at maging sa ilang bahagi ng mga dalampadigan.

Pinawalang bisa ng Administrasyong DUterte ang “Tigil Mina” para sa “KITA MULA SA MINA” Taliwas  sa Konstitusyon, dapat pangunahan  ng mga nasa gubyerno ang pagpreserba ng kalikasan para sa mamayan at sa susunod nating saling lahi.

Sabi nga ni Aspirant for 2nd District Representative ng Lalawigan ng Zambales Former DENR Undersecretary for Field Operation Philip Camara, sa panahon ni dating DENR Secretary Gina Lopez. Ito ang tamang panahon ngayung 2022. Bukas ang ating pinto para sa pagkakaroon ng mga tunay na lider mamili tayo ng magtatangol para sa pakikipaglaban sa karapatan magkaroon tayo ng malusog, balance at produktibong environment para sa tao 

Monday, December 6, 2021

“Madaling makipagtalo mas radikal ang magmahal”

 

“Madaling makipagtalo mas radikal ang magmahal”

Tapat na Pamumuno

 Ni: Michael “Mitch” Santos

 

Sa pagbubuo ng 1 SAMABAYAN Zambales. Ang malawakan koalisyon ng demokratikong pwersa ay hindi naging madali para sa atin ang napakaraming pagsubok at hamon ang sa atin ay patuloy na humaharang para malimitahan ang malaya at sama- sama nating pagkilos at pag- sigaw na “tama na, ayaw na natin ng panibagong anim na Taon na pamumuno ng mga kasalukuyang nasa Administrasyon.

Ayaw na natin sa sinungaling, bastos, isip pulbura, palaging tulog,  walang pagmamahal sa soberenya ng bansa, at mas lalong ayaw na rin natin na ibalik pa ang magananakaw o nagpapasasa sa nakaw na yaman at sa buwis ng mamamayan. Walang sinuman ang makakapagpigil sa ating mga pagpapahayag, pagsigaw na gusto natin ng pagbabago at Tapat na Pamumuno.

1SAMBAYAN ZAMBALES- OLONGAPO FREEDOM CARAVAN.

Hindi man namin napantayan ang kasing dami o laki ng numero ng mga ibang nagsasagawa ng Caravan ng mga malalaki at mapeperang Politiko ay natitiyak naman naming na naging matagumpay ang aming isinagawang “FREEDOM CARAVAN.” Dahil mula sa puso at paglilinaw sa mga isyung kinakaharap ng bansa at mamamayan sa kasalukuyan ang aming naging imbitasyon nang mga nasa Komunidad. Hindi ang pagbili o pagtapat ng kung magkanong halaga  ang sa kanila ay aming ibibigay.

Leni – Kiko 2022, para sa Pagbabagong tunay at tapat na pamumuno.

“Madaling makipagtalo mas radikal ang magmahal”

 

 

 

 

 

Saturday, February 13, 2021

HUMALING 2021

 HUMALING


Ikaw ang pinakababorito kong parte ng buhay ko.

Sa pagdaan ng panahon ako'y patuloy na nahuhulog na sa iyo.

May saysay ang bawat letra.

Na patuloy na bumibihag sa puso kong umaasa.


Habang unti- unti mong pinadarama sa puso kong umiibig ang kabiguan.

Ako at ikaw ay tila impobsible na yata talaga sa pangarap kong pagibig.

Ngunit hidi ko maramdaman ang hudyat ng pagsuko kailanman.

Magpapatuloy ng buo ang pag- asa sa iyo na may pananalig.


Mananatiling andito lang ako at hindi susuko.

Maghihintay na mapansin mo,

Na tila imposible atang manyari ito.

Akoy, patuloy na HUMALING sa iyo.,


 Hindi titigil na magmahal, kahit walang tayo.

Saturday, August 24, 2019


HUMALING



Ikaw ang pinakababorito kong parte ng buhay ko.
Sa pagdaan ng panahon ako'y patuloy na nahuhulog na sa iyo.
May saysay ang bawat letra.
Na patuloy na bumibihag sa puso kong umaasa.


Habang unti- unti mong pinadarama sa puso kong umiibig ang kabiguan.
Ako at ikaw ay tila impobsible na yata talaga sa pangarap kong pagibig.
Ngunit hidi ko maramdaman ang hudyat ng pagsuko kailanman.
Magpapatuloy ng buo ang pag- asa sa iyo na may pananalig.



Mananatiling andito lang ako at hindi susuko.
Maghihintay na mapansin mo,
Na tila imposible atang manyari ito.
Akoy, patuloy na HIMALING sa iyo.,

 Hindi titigil na magmahal, kahit walang tayo.


Tuesday, April 16, 2019

MAIGSI LANG BUHAY

MAIGSI LANG BUHAY
Ni: Michael “Mitch” C. Santos


YAN ANG ARAL NA ISA SA PINANGHAHAWAKAN KO, KAYA GAWIN HABANG MAY ORAS PA KUNG ANO ANG MAGPAPASAYA SAYO, NGUNIT ALALAHANIN MO ANG LAHAT NG GAGAWIN MO AY IPAGSUSULIT MO SA DIYOS MABUTI MAN O MASAMA.

PANGALAWA, KAHIT MAGKAROON KA NG MAMAHALING SASAKYAN, MGA BRANDED NA BAGAY AT MARAMING PERA HINDI ITO MAGBIBIGAY SAYO NG TUNAY NA KASIYAHAN. ANG MGA ITO AY PANSAMANTALA LANG. HIGIT NA LILIGAYA AT MAKUKUMPLETO ANG LAHAT KUNG MAGMAMAHAL KA AT MAY MAGMAMAHAL SAYO, PANGALAWA ANG KAGALAKANG MARARAMDAMAN MO KAPAG TUMULONG KA SA KAPWA KAHIT SA PINAKAMALIIT NA PARAAN KAYA DITO PUMAPASOK NA DAPAT STABLE ANG FINANCIAL FREEDOM NATING LAHAT.

ANG PERA AY NAUUBOS, ANG GAMIT AY NALULUMA, ANG YAMAN AY NADADALA SA KABILANG BUHAY. PERO ANG WISDOM AY SIYANG MAGLILIGTAS SAYO HANGGANG SA KABILANG BUHAY. ANG MGA MEMORIES NA KASAMA MO ANG MGA MAHAL MO SA BUHAY AY MANANATILI HANGGANG SA PAGPUTI NG IYONG MGA BUHOK AT PINAKAHULING HININGA MO SA BUHAY.

KAYA DAPT NA LAGI TAYONG MAGPASALAMAT SA DIYOS SA LAHAT NG NATATAMASA NATIN SA BUHAY MALAKI MAN TO O MALIIT. DAHIL ANO MAN ORAS AT SA ISANG IGLAP AY PWEDE NIYA ITONG BAWIIN SA ATIN ANUMANG ORAS NIYA NAISIN. PALAGING MANALANGIN HUMINGI NG PATNUBAY AT GABAY SA DIYOS SA LAHAT MONG GAGAWIN.

WALANG DISGRASYA SA LAHAT NG MAGAGANDANG PANYAYARI PERO NANGYAYARI ITO, DAHIL ITO ANG KALOOB NG DIYOS ANG LAHAT AY MAY PURPOSE.

MAMUHAY TAYO SA PARAANG NAKAKULUGOD SA DIYOS HINDI SA PARAANG IDINIDIKTA NG MUNDO O NG MGA TAO SA PALIGID NATIN

Thursday, April 4, 2019


ANG BAGONG HAMON NG KATUPARAN
NI:MICHAEL “MITCH” C. SANTOS

SA wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay at isa sa pinakamahalagang araw ng mga mag-aaral at ng mga magulang. Kayo ay nag-aaral at nagsumikap makapagtapos ng pag-aaral dahil sa layuning magkaroon kayo ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa inyong mga sarili kundi higit sa lahat para sa inyong mga pamilya sa hinaharap.

Ngunit huwag sana nating kalimutan na ang pagtatapos ay hindi pagwawakas, bagkus ito ay pagsisimula sa panibagong pahina ng inyong buhay. Ang edukasyon ay pundasyon sa katuparan ng iyong mga pangarap, ito ang sandata Para maging matatag sa pagharap sa bagong hamon ng katuparan.

Tuloy- tuloy ang Pagaaral kahit tapos na duon sa apat na sulok ng silid paaralan. Dahil kahit nakamit na ang de-kalidad na edukasyon sa loob ng eskwelahan. Ay marami pa rin ang bumabagsak, nabibigo,o hindi nagtatagumpay sa buhay. Mga tambay na ilang dekada na ang nagdaan ay nakabakante pa rin at walang trabaho, ang iba ay pana-panahon lamang kung magkakatrabaho, ang masaklap ay yung kumakapit na sa patalim para magkatrabaho. Nangyayari ito dahil hilaw pa sa kaalaman sa pagharap sa realidad ng buhay.

Sabi ng pilosopiya ang tunay na edukasyon at kaalaman ay hindi ganap na matutunan sa loob ng apat na sulok ng eskwelahan kundi ito ay matutunan sa ating lipunan. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral, mga bagay na tungkol sa buhay at pagkatuto sa proseso ng pagsasabuhay ng mga natutunan sa eskwelahan.
Una sa lahat ay marapat ninyong pasalamatan ang panginoon diyos dahil sa pagbibigay niya ng sapat na lakas, katalinuhan,kaalaman para marating niyo ang tagumpay na ito, pangalawa sa mga magulang na iginapang kayo para lamang mabigyan kayo ng pagkakataong makapag-aral at makapagtapos, pangatlo sa inyong mga guro na tumayong pangalawang magulang at nagpanday nang kaalaman ng bawat mag-aaral.
Sa bawat kabataang nangangarap ng pagbabago, pag-unlad, at pagmamalasakit sa lipunang kanyang ginagalawan Mabuhay kayo.