Followers

Monday, December 6, 2021

“Madaling makipagtalo mas radikal ang magmahal”

 

“Madaling makipagtalo mas radikal ang magmahal”

Tapat na Pamumuno

 Ni: Michael “Mitch” Santos

 

Sa pagbubuo ng 1 SAMABAYAN Zambales. Ang malawakan koalisyon ng demokratikong pwersa ay hindi naging madali para sa atin ang napakaraming pagsubok at hamon ang sa atin ay patuloy na humaharang para malimitahan ang malaya at sama- sama nating pagkilos at pag- sigaw na “tama na, ayaw na natin ng panibagong anim na Taon na pamumuno ng mga kasalukuyang nasa Administrasyon.

Ayaw na natin sa sinungaling, bastos, isip pulbura, palaging tulog,  walang pagmamahal sa soberenya ng bansa, at mas lalong ayaw na rin natin na ibalik pa ang magananakaw o nagpapasasa sa nakaw na yaman at sa buwis ng mamamayan. Walang sinuman ang makakapagpigil sa ating mga pagpapahayag, pagsigaw na gusto natin ng pagbabago at Tapat na Pamumuno.

1SAMBAYAN ZAMBALES- OLONGAPO FREEDOM CARAVAN.

Hindi man namin napantayan ang kasing dami o laki ng numero ng mga ibang nagsasagawa ng Caravan ng mga malalaki at mapeperang Politiko ay natitiyak naman naming na naging matagumpay ang aming isinagawang “FREEDOM CARAVAN.” Dahil mula sa puso at paglilinaw sa mga isyung kinakaharap ng bansa at mamamayan sa kasalukuyan ang aming naging imbitasyon nang mga nasa Komunidad. Hindi ang pagbili o pagtapat ng kung magkanong halaga  ang sa kanila ay aming ibibigay.

Leni – Kiko 2022, para sa Pagbabagong tunay at tapat na pamumuno.

“Madaling makipagtalo mas radikal ang magmahal”

 

 

 

 

 

No comments: