06
JUNE 14
LADY
MANAGER NATAGPUANG PATAY
NI:MICHAEL
“MITCH” SANTOS
SAKSI
NEWS
OLONGAPO
CITY – Patuloy pa ring nagsasagawa ng follow-up operation ang mga alagad
ng Police ng nasabing lunsod para sa pag-iimbistiga kung sino at ano ang tunay
na motibo sa pagpatay sa isang lady manager na natagpuan sa loob ng kwarto
nito.
Kinilala ng PNP Scene of the Crime
Operatives (SOCO), ang biktima na si Jean
Garcia 21, nakatira mismo sa restaurant na kanyang minamanage
matatagpuan sa Barangay West Bajac-Bajac.
Sa salaysay daw umano ng kapatid
nito na kinilalang si Jenelyn Bayla, 9:30 ng umaga ng
araw ng Hunyo 04, taong kasalukuyan ay kanilang ginigising ang kapatid
na si Garcia, malalakas na katok at tawag sa pangalan nito ngunit hindi pa rin
ito tumutugon at nagbubukas ng pinto. Kung kaya't duon na napagpasiyahan ng kapatid at mga anak
ng bitima na pwersahin ng buksan ang pintuan.
At bumungad nga sa kanilang harapan ang wala ng buhay na si Garcia at
nakabalot ang katawn nito ng bed sheet.
Ayon sa imbistigador kinakitaan nila
ito ng pamumuo ng dugo sa ibabang parte ng leeg nito na maaring sinakal na siyang sanhi ng pagkamatay
nito. Ang angulong rape ay hindi pa rin isinasantabi sa krimen.
Nawawala rin daw umano ang pera nito na
nagkakahalaga ng P8,000 at ilang personal na kagamitan nito.
Kaugnay nito sa pakikipanyam ng SOCO
sa ilang tenants dito na katabi lamang ng kwarto ng biktima ay narinig daw nila
na may komosyong nagaganap sa pagitan ng 3:00 – 4:00 ng madaling araw sa loob
mismo ng kwarto ng biktima ngunit hindi nila ito gaanong pinansin dahil sa
pagaakalang nagtatalo lamang sina Garcia at ang anak nito.
Ito ay patunay lamang ang patuloy na
pagtaas ng krimen dito sa Ologapo City lalo na nitong sa rehimen ng bagong
lokal na pamunuan.
No comments:
Post a Comment
anything else eccept un-ethical comment