Followers

Sunday, December 21, 2014

PAGKAIN SA HAPAG NG MGA KUMAKALAM NA SIKMURA

20/NOBYEMBRE/14
PAGKAIN SA HAPAG NG MGA KUMAKALAM NA SIKMURA
NI: MICHAEL “MITCH” C. SANTOS
SUBIC BAY PILLARS

Kung ang mga magsasaka na bumubuo sa makabuluhang sektor ng ekonomiya sa larangan ng agrikultura ay nakakaranas din ng kagutuman at ang iba ay halos wala ng matamnam dahil sa tuyo' t na lupa kung hindi man ay ang matinding monipolasyon sa agrikultura at ang kakulangan sa suporta at progarama ng gubyerno para sa agrikultura, paano pa ang mga indibidwal na walang matatag at permanenteng hanapbuhay o trabaho? Mga nananahan lamang sa kariton, ilalim ng tulay, tabing ilog, ? Mga umaasa sa kaunting barya na nakukuha sa maghapong panlilimos sa mga kalye at lansangan? Mga may kapansanan na pinabayaan at walang kakayahang tugunan ang kanilang kumakalam na tiyan? Mga batang kapos sa nutrisyon? Gutom ang pinagdaraanan. Malnutrisyon ang kinahahantungan. Lahat ng ito’y dahil sa kahirapan.
 
Ito ang mukha ng realidad ang kaaba-abang lipunang kapos sa pagkain. Isang repleksyon ng bansang mas lamang ang kahirapan. Maraming istatistika, datos at pigura na nagpapakita ng pagbaba ng bilang ng mga nagugutom na Pilipino, totoo nga ba ito nasan ang kongkretong katibayan? kung meron man Bakit hindi nararamdaman ng marami ang sinasaad na progreso. Nasaan na ang malalawak na sakahan ng ating bayan, ang kanin na inihahain sa mga hapag ay unti-unting napapalitan ng mga “instant foods” dahil sa mas mura nitong halaga ngunit may mas mababa namang nutrisyon at sustansya. Tinatangkilik ito dahil walang hanapbuhay, kulang at hindi sapat ang kinikita na nagdudulot naman ng kawalan ng kakayahang bumili ng mga pagkaing angkop sa ating pangangailangang pangkalusugan mga masusustansiya at tamang pagkain.
 
Anong hakbang ang ginagawa ng ating gubyerno. Karamihan ay nakatutok sa pulitika at away pulitika na tila blokbaster na penikula, patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, ngunit kailan uunahin ng mga tagagawa ng polisiya at mga nakakataas ang pagpapaunlad ng produksyon ng pagkain sa bansa?
 
Tapat at mabuting pamamahala ang kinakailangan upang maibsan ang gutom sa Pilipinas. Sa pagbawas ng katiwalian nagsisimula ang lahat, na susundan ng pagpapasigla sa ekonomiya sa pamamagitan ng pamumuhunan sa industriya na lilikha naman ng mas maraming oportunidad at kabuhayan para sa mga nakararaming naghihirap na taong bayan na angkop sa bansa at sa kakayahan ng mga Pilipino., na may sapat na kita upang matugunan ang 

PAGKAIN SA HAPAG NG MGA KUMAKALAM NA SIKMURA.
Ang Pilipinas ay mayaman sa lahat ng likas na yaman mas lalo sa aspeto ng agrikultura bakit hindi natin ito mas higit na pagtuunan ng mas malalim na pansin para sa pagpapunlad. Habang tinataguyod ang mas matibay ng Political will.

No comments: