PATULOY NA
PAGKABAON SA RUMARAGASANG TRAIN LAW
NI :MICHAEL
“MITCH” C. SANTOS
BALIKTANAW/ KOLUM
SUBIC BAY PILLARS
MARAHIL hindi na
bago sa atin ang problema sa hapag kainan ng mga salat nating
kababayang pilipino. Maging ang ilan sa ating mga nasa panggitnang uri
at yung pangakaraniwang manggagawa ay nakakaranas din ng ganitong
suliranin sa ating hapag kainan. Ito ay bunsod ng labis na kahirapan
na atin nararanasan.
At sa pagdating ng
Administrasyong Duterte , ay tila may kongkretong sagot na raw sa
pangunahing suliraning ito. Ito ang urgent na pagsusulong ng TAX
Reform for Acceleration and inclusion o Train.na magaganansiya daw sa
kapakanan ng mahihirap.
Pinababa nito ang
personal income tax ng mga kumikita ng mas mataas kaysa sa minimum
wage at may mataas kaysa sa minimun wage at mas may mababang bilang
ng 6% flat rate para sa estate (mana) at donor (mga donasyong higit
P100,000.)taxes.
At binuwisan din ang
ilang produktong pangkonsumo na dati ay hindi saklaw ng 12% Value
Added Tax o VAT mga local shipping,low o socialied housing,power
transmission at cooperatives, ganun din ang mga excise tax sa
produkto petrolyo, mga pinatamis na inumin at mga automobile.
Hindi pa dito
nagkasya ang Rehimen Duterte., muling humirit at isinulong ang Train
2
Ang truma sa
rumaragasang Train Law
mula ng ipatupad ang TRAIN 1 ay ramdam na agad ang bigat at
paulit-ulit na taas -presyo ng langis, pasahe. kasabay siyempre ng
taas-presyo ng ng bilihin at pagbagsak ng halaga ng piso na nasa
P53.52 nitong hunyo 2018. Lahat ng pangunahing pangangailangang at
sobrang nagtaasan lalo na ang mga pangangailangan sa pantawid gutom
dahil sa TRAIN.
Balewala rin ang tax excemption ng mga maliliit ang kita. Ang hindi
nababawas na tax sa kanila ay sa sobrang taas ng presyo lamang
napunpunta.
Paano nman iyong mga talagang walang hanap buhay o hindi nabibigyan
ng pagkakataong makapagtrabaho. Dahail sa kakapusan ng trabaho sa
atin kung meron man ay kakarampot lamang ang bayad sa lakas paggawa
at pangsamantala lamang ang trbaho.
Samantala, nanatiling mababa ang ang sahod ng mga mngagawa nasa P512
ang minimum sa National Capital Region. At higit na mas mababa ang
natatanggap ng mga nasa rehiyon. Mula ng ng maupo itong pangulo na
nagsusulong ng pagbabago ay tila wala parin naman ginagawang habang
para matigil ang kontrakwalisayon.
Mahihirap ang mas
maapekyuhan ng Train Law
Ang mahihirap ang labis na tatamaan ng batas na ito. Regresibo pa rin ang tax system na ito. Gagaan ang pasanin ng pinakamayayaman sa pagbaba ng personal income tax sa flat rate na singil sa estate at donor tax. Matindi ang income inequity o agwat sa pagitan ng pinakamayayaman at pinakamahihirap Ibig sabihin, may mas malaiking kakayahan ang pinakamayayaman na magbayad ng buwis. Samantalang ang pinakamahihirap ay napakababa ng kita na tila delubyo na ang pagbabawas pa ng kakarampot sa kanilang kinikita.
Ano ang kailangan
gawin?
Taasan pa ang direct taxes gaya ng personal income tax at corporate
income tax, at babaan pa ang indirect taxes gaya ng VAT at iba pang
buwis sa produktong pangkonsumo,buwis sa pinakamatataas na income
bracket at ispesipikong paglaanan ng badyet ang mga esensyal na
panlipunang serbisyo.
No comments:
Post a Comment