Sunday, September 16, 2018

PATULOY NA PAGKABAON SA RUMARAGASANG TRAIN LAW
NI :MICHAEL “MITCH” C. SANTOS
BALIKTANAW/ KOLUM
SUBIC BAY PILLARS

MARAHIL hindi na bago sa atin ang problema sa hapag kainan ng mga salat nating kababayang pilipino. Maging ang ilan sa ating mga nasa panggitnang uri at yung pangakaraniwang manggagawa ay nakakaranas din ng ganitong suliranin sa ating hapag kainan. Ito ay bunsod ng labis na kahirapan na atin nararanasan.
At sa pagdating ng Administrasyong Duterte , ay tila may kongkretong sagot na raw sa pangunahing suliraning ito. Ito ang urgent na pagsusulong ng TAX Reform for Acceleration and inclusion o Train.na magaganansiya daw sa kapakanan ng mahihirap.
Pinababa nito ang personal income tax ng mga kumikita ng mas mataas kaysa sa minimum wage at may mataas kaysa sa minimun wage at mas may mababang bilang ng 6% flat rate para sa estate (mana) at donor (mga donasyong higit P100,000.)taxes.
At binuwisan din ang ilang produktong pangkonsumo na dati ay hindi saklaw ng 12% Value Added Tax o VAT mga local shipping,low o socialied housing,power transmission at cooperatives, ganun din ang mga excise tax sa produkto petrolyo, mga pinatamis na inumin at mga automobile.
Hindi pa dito nagkasya ang Rehimen Duterte., muling humirit at isinulong ang Train 2

Ang truma sa rumaragasang Train Law

mula ng ipatupad ang TRAIN 1 ay ramdam na agad ang bigat at paulit-ulit na taas -presyo ng langis, pasahe. kasabay siyempre ng taas-presyo ng ng bilihin at pagbagsak ng halaga ng piso na nasa P53.52 nitong hunyo 2018. Lahat ng pangunahing pangangailangang at sobrang nagtaasan lalo na ang mga pangangailangan sa pantawid gutom dahil sa TRAIN.
Balewala rin ang tax excemption ng mga maliliit ang kita. Ang hindi nababawas na tax sa kanila ay sa sobrang taas ng presyo lamang napunpunta.
Paano nman iyong mga talagang walang hanap buhay o hindi nabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho. Dahail sa kakapusan ng trabaho sa atin kung meron man ay kakarampot lamang ang bayad sa lakas paggawa at pangsamantala lamang ang trbaho.
Samantala, nanatiling mababa ang ang sahod ng mga mngagawa nasa P512 ang minimum sa National Capital Region. At higit na mas mababa ang natatanggap ng mga nasa rehiyon. Mula ng ng maupo itong pangulo na nagsusulong ng pagbabago ay tila wala parin naman ginagawang habang para matigil ang kontrakwalisayon.

Mahihirap ang mas maapekyuhan ng Train Law

Ang mahihirap ang labis na tatamaan ng batas na ito. Regresibo pa rin ang tax system na ito. Gagaan ang pasanin ng pinakamayayaman sa pagbaba ng personal income tax sa flat rate na singil sa estate at donor tax. Matindi ang income inequity o agwat sa pagitan ng pinakamayayaman at pinakamahihirap Ibig sabihin, may mas malaiking kakayahan ang pinakamayayaman na magbayad ng buwis. Samantalang ang pinakamahihirap ay napakababa ng kita na tila delubyo na ang pagbabawas pa ng kakarampot sa kanilang kinikita.


Ano ang kailangan gawin?

Taasan pa ang direct taxes gaya ng personal income tax at corporate income tax, at babaan pa ang indirect taxes gaya ng VAT at iba pang buwis sa produktong pangkonsumo,buwis sa pinakamatataas na income bracket at ispesipikong paglaanan ng badyet ang mga esensyal na panlipunang serbisyo.

No comments:

Post a Comment

anything else eccept un-ethical comment