Followers

Tuesday, December 4, 2018

ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT PA SA MALANSANG ISDA.


ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA
AY HIGIT PA SA MALANSANG ISDA.
NI: MICHAEL “MITCH” C. SANTOS
BALIKTANAW/KOLUM
SUBUIC BAY PILLARS-SBP

Nakakalungkot at talagang nakakainis ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) na alisin na sa ‘core subjects’ sa kolehiyo ang asignaturang Filipino at Literatura.Kung tutuusin ay hilaw pa talaga sa sa wikang pambansa ang mayorya sa atin lalo na ang mga bagong henerasyon maging ang mga papausbong pa lamang. Tila delubyo ang pinsalang dulot ng desisyon ng Korte Suprema sa mga darating na henerasyon.

Kung kayat hind sapat ang panukalang paglilipat ng pagtuturo nito hanggang sa senior high school na lamang, ituturing na lamang na pangkaraniwang asignatura sa paaralan ang sariling wika at maaaring hindi na ito ang pangunahing gagamiting dialektiko ng mga kabataan. paano magiging intelektwalisado ang wikang Filipino kung hindi ito pag-aaralan sa mataas na level ng edukasyon? Nakasaad pa sa ating konstitusyon na dapat pagyamanin at palaganapin ang “Literaturang Filipino” bilang wikang pambansa.

Sa kabila ng pagpapatigil ng ‘Literaturang Filipino’sa kolehiyo Bilang pangunahing rekurso sa sariling wika at Panitikan Filipino ay isinusulong naman ngayun ang  wikang Korean matapos lagdaan ng Department of Education (DepEd) at Korean embassy sa Maynila ang isang memorandum of understanding, na Obligado na rin Ituro sa ilang high school students at sa mga pampublikong paaralan. Ang wikang Banyaga.

Bukod dito ay meron pang lima hanggang 6 na wikang Banyaga ang nakatakdang maapubrahan para idagdag sa ating mga kurikulum.

"Laging nakayuko ang ating mga ulo dahil pinatanggap sa atin na mas mababang klase ang mga  Filipino. Kailangang kilalanin na ang malaking dahilan bakit may [ganitong] problema, ay ang ating kolonyal na pinanggalingan,” ani pambansang artist para sa literatura, Bienvenido Lumbera. – Nakapanglulumo na mismong ang kapwa Filipino pa natin  ang nagtutulak sa kabataan para kalimutan nito ang pagkilanlan sa sarili niyang wika.

ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT PA SA MALANSANG ISDA.

No comments: