Sunday, January 2, 2022

MGA DAMBUHALANG BUWAYANG MINERO MAY BASBAS NG BUMALIK.

MGA DAMBUHALANG BUWAYANG MINERO

MAY BASBAS NG BUMALIK.

Ni: Michael “Mitch” C. Santos

 

MGA DAMBUHALANG BUWAYANG MINERO MAY BASBAS NG BUMALIK.

Ilang lingong  nakalipas  bago matapos ang taong 2021 ay Nilagdaan ni Environment and Natural Resources  Secretary  Roy Cimatu ang isang Administratibong kautusang No. 2021 -40 na nagpapawalang bisa sa “Tigil Mina”.  Ito ang paglilinaw ni Mines and Geosciences Bureau Director Wilfredo Moncano. Sa ilang mamamahayag.

Isinulong at ipinatupad ng Gubyerno noong 2017 ang pagpapatigil sa industriya ng mga dambuhalang minahan sa bansa, sa pangunguna ng dating namayapang DENR Chief Gina Lopez. Bunsod ng kaliwa’ t- kanang batikos ng mga grupong maka- kalikasan at mamamayang labis na naapektuhan sa kapabayaan ng mga buwayang kapitalista sa industriya ng minahan.

MAS NAUNANG PAGBIBIGAY NG BASBAS NI PANGULONG DUTERTE SA MGA GANID NA LOKAL AT DAYUHANG NAMUMUHUNAN.

Nito lamang Abril 2021 ay lumagda ang Pangulong Duterte sa EO 130 na nagsasabing maaari ng umupo ang Gubyerno at ang mga namumuhunan sa pagmimina. Para sa bagong mineral agreement batay na rin sa Philippine Mining Act of 1995 at iba pang batas. Pinawalang bisa ng Administrasyon ang ipinatupad na moratorium sa pagmimina.

Kaya bago pa man ang paglagda ni DENR Sec. Roy Cimatu sa pagpapawalang bisa ng “Tigil Mina”, ay nakapag-iisyu na sila ng exploration permit batay sa sa umiiral na batas at mga pamuntunan. Ang EO 130 ay may malinaw na istraktura ng panghihikayat ng Gubyerno sa mga iresponsableng mamumuhunan sa bansa.

Habang ikinakahon nman ang kaisipan ng mga mamamayan na ang open- pit mining ay pinaka mapagkakatiwalaan sa kaligtasan ng kalikasan, tao at kabuhayan kung kaya nman ang sistemang ito nang pagmimina ang siyang ginagamit sa buong mundo.

Bukod sa ipinagmamayabang na kaligtasan, paglikha ng maraming trabaho ay makakapag ambag din daw ito sa pagbangon ng ating ekonomiya at kahirapan ng buhay ng maraming Pilipino, at paghuhugutan daw natin ito ng ipangbabayad sa napakalaking inutang  ng Gubyerno sa iba’t- ibang bansa. Bunsod ng pandemyang kinakaharap natin.

1 SAMBAYAN ZAMBALES AT PHILIP CAMARA MADIIN NA KINONDENA ANG ANG AO 2021- 40 AT AO 130. O NAGPAPAWALANG BISA SA “TIGIL MINA” AT PAGPAPAALIS SA MORATORIUM SA PAGMIMINA.

Pagtatraydor sa Bansa at Mamamayan para sa pangangalaga ng kalikasan para sa tao. Ang naging aksiyon ng DENR. Sa tila bukas palad nitong pagpapasok sa open pit mining, coastal mining at sa iba pang mapanirang industriya na walang kongkretong proteksiyon sa kalikasan para mapangalagaan ang kalusugan ng mga tao sa paligid nito at sa kanilang kabuhayan.

 

“Sa pagbuo ng desisyon at anumang batas na ang prayoridad ay kumita ng limpak ay lumalayo ka na sa iyong responsibilidad bilang gubyerno ng iyong nasasakupan at ang impluwensiya mo ay wala ng kontrol sa paggamit nito dahil sa iyong negosyo, kapital at kikitain ito na ang mas mahalaga kesa sa kapakanan ng mga tao. –  Gina Lopez  

Kakatwang isipin  ang mariing sinasabi ng Gubyernong Duterte na sa pagbubukas muli ng industriya ng mining ay makakakuha na  tayo ng pambayad sa lumobo nilang inutang, malamang mas uunahin  magpakabusog ng husto ng mga ganid at hindi rin naman nito tutugunan ang pangangailangan ng marami.  

Apat na taong mula ng maisara ang mga malalaking minahan sa Zambales. Muli ay nangangamba ang mga Zambalenyo sa muling pagbabalik ng mga dambuhalang minahan. Dahil sa pagmimina ang Kalikasan Kabuhayan at buhay ng mga nasa paligid nito ay nalalapit nanaman sa panganib di malayong muling baba mula sa kabundukan ang mga nickel laterite o ilang yaman mineral na tatabon sa malalawak na sakahan, palaisdaan, ilog at maging sa ilang bahagi ng mga dalampadigan.

Pinawalang bisa ng Administrasyong DUterte ang “Tigil Mina” para sa “KITA MULA SA MINA” Taliwas  sa Konstitusyon, dapat pangunahan  ng mga nasa gubyerno ang pagpreserba ng kalikasan para sa mamayan at sa susunod nating saling lahi.

Sabi nga ni Aspirant for 2nd District Representative ng Lalawigan ng Zambales Former DENR Undersecretary for Field Operation Philip Camara, sa panahon ni dating DENR Secretary Gina Lopez. Ito ang tamang panahon ngayung 2022. Bukas ang ating pinto para sa pagkakaroon ng mga tunay na lider mamili tayo ng magtatangol para sa pakikipaglaban sa karapatan magkaroon tayo ng malusog, balance at produktibong environment para sa tao 

No comments:

Post a Comment

anything else eccept un-ethical comment