“Madaling makipagtalo
mas radikal ang magmahal”
Tapat na Pamumuno
Ni: Michael “Mitch” Santos
Sa pagbubuo ng 1 SAMABAYAN
Zambales. Ang malawakan koalisyon ng demokratikong pwersa ay hindi naging
madali para sa atin ang napakaraming pagsubok at hamon ang sa atin ay patuloy
na humaharang para malimitahan ang malaya at sama- sama nating pagkilos at pag-
sigaw na “tama na, ayaw na natin ng panibagong anim na Taon na pamumuno ng mga
kasalukuyang nasa Administrasyon.
Ayaw na natin sa sinungaling, bastos,
isip pulbura, palaging tulog, walang pagmamahal
sa soberenya ng bansa, at mas lalong ayaw na rin natin na ibalik pa ang
magananakaw o nagpapasasa sa nakaw na yaman at sa buwis ng mamamayan. Walang
sinuman ang makakapagpigil sa ating mga pagpapahayag, pagsigaw na gusto natin
ng pagbabago at Tapat na Pamumuno.
1SAMBAYAN ZAMBALES- OLONGAPO FREEDOM CARAVAN.
Hindi man namin napantayan ang
kasing dami o laki ng numero ng mga ibang nagsasagawa ng Caravan ng mga
malalaki at mapeperang Politiko ay natitiyak naman naming na naging matagumpay ang
aming isinagawang “FREEDOM CARAVAN.” Dahil
mula sa puso at paglilinaw sa mga isyung kinakaharap ng bansa at mamamayan sa
kasalukuyan ang aming naging imbitasyon nang mga nasa Komunidad. Hindi ang
pagbili o pagtapat ng kung magkanong halaga
ang sa kanila ay aming ibibigay.
Leni – Kiko 2022, para sa Pagbabagong tunay at tapat na pamumuno.
“Madaling makipagtalo
mas radikal ang magmahal”
No comments:
Post a Comment