ANG BAGONG HAMON NG
KATUPARAN
NI:MICHAEL “MITCH” C.
SANTOS
SA
wakas ay dumating na rin ang pinakahihintay at isa sa pinakamahalagang araw ng
mga mag-aaral at ng mga magulang. Kayo ay nag-aaral at nagsumikap makapagtapos ng
pag-aaral dahil sa layuning magkaroon kayo ng magandang kinabukasan hindi lamang
para sa inyong mga sarili kundi higit sa lahat para sa inyong mga pamilya sa
hinaharap.
Ngunit
huwag sana nating kalimutan na ang pagtatapos ay hindi pagwawakas, bagkus ito ay
pagsisimula sa panibagong pahina ng inyong buhay. Ang edukasyon ay pundasyon sa
katuparan ng iyong mga pangarap, ito ang sandata Para maging matatag sa
pagharap sa bagong hamon ng katuparan.
Tuloy-
tuloy ang Pagaaral kahit tapos na duon sa apat na sulok ng silid paaralan. Dahil
kahit nakamit na ang de-kalidad na edukasyon sa loob ng eskwelahan. Ay marami
pa rin ang bumabagsak, nabibigo,o hindi nagtatagumpay sa buhay. Mga tambay na
ilang dekada na ang nagdaan ay nakabakante pa rin at walang trabaho, ang iba ay
pana-panahon lamang kung magkakatrabaho, ang masaklap ay yung kumakapit na sa
patalim para magkatrabaho. Nangyayari ito dahil hilaw pa sa kaalaman sa
pagharap sa realidad ng buhay.
Sabi
ng pilosopiya ang tunay na edukasyon at kaalaman ay hindi ganap na matutunan sa
loob ng apat na sulok ng eskwelahan kundi ito ay matutunan sa ating lipunan. Matibay ang isang
edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral,
mga bagay na tungkol sa buhay at pagkatuto sa proseso ng pagsasabuhay ng mga
natutunan sa eskwelahan.
Una
sa lahat ay marapat ninyong pasalamatan ang panginoon diyos dahil sa pagbibigay
niya ng sapat na lakas, katalinuhan,kaalaman para marating niyo ang tagumpay na
ito, pangalawa sa mga magulang na iginapang kayo para lamang mabigyan kayo ng
pagkakataong makapag-aral at makapagtapos, pangatlo sa inyong mga guro na
tumayong pangalawang magulang at nagpanday nang kaalaman ng bawat mag-aaral.
Sa
bawat kabataang nangangarap ng pagbabago, pag-unlad, at pagmamalasakit sa
lipunang kanyang ginagalawan Mabuhay kayo.
No comments:
Post a Comment
anything else eccept un-ethical comment