ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING
WIKA
AY HIGIT PA SA MALANSANG ISDA.
NI: MICHAEL “MITCH” C. SANTOS
BALIKTANAW/KOLUM
SUBUIC BAY PILLARS-SBP
Nakakalungkot
at talagang nakakainis ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) na alisin na
sa ‘core subjects’ sa kolehiyo ang asignaturang Filipino at Literatura.Kung
tutuusin ay hilaw pa talaga sa sa wikang pambansa ang mayorya sa atin lalo na
ang mga bagong henerasyon maging ang mga papausbong pa lamang. Tila delubyo ang
pinsalang dulot ng desisyon ng Korte Suprema sa mga darating na henerasyon.
Kung
kayat hind sapat ang panukalang paglilipat ng pagtuturo nito hanggang sa senior
high school na lamang, ituturing na lamang na pangkaraniwang asignatura sa
paaralan ang sariling wika at maaaring hindi na ito ang pangunahing gagamiting
dialektiko ng mga kabataan. paano magiging intelektwalisado ang wikang
Filipino kung hindi ito pag-aaralan sa mataas na level ng edukasyon? Nakasaad
pa sa ating konstitusyon na dapat pagyamanin at palaganapin ang “Literaturang
Filipino” bilang wikang pambansa.
Sa
kabila ng pagpapatigil ng ‘Literaturang Filipino’sa kolehiyo Bilang pangunahing
rekurso sa sariling wika at Panitikan Filipino ay isinusulong naman ngayun ang wikang Korean matapos lagdaan ng Department of Education (DepEd) at
Korean embassy sa Maynila ang isang memorandum of understanding, na Obligado na
rin Ituro sa ilang high school students at sa mga pampublikong paaralan.
Ang wikang Banyaga.
Bukod
dito ay meron pang lima hanggang 6 na wikang Banyaga ang nakatakdang
maapubrahan para idagdag sa ating mga kurikulum.
"Laging nakayuko ang ating mga ulo dahil
pinatanggap sa atin na mas mababang klase ang mga Filipino. Kailangang kilalanin na ang
malaking dahilan bakit may [ganitong] problema, ay ang ating kolonyal na
pinanggalingan,” ani pambansang artist para sa literatura, Bienvenido Lumbera.
– Nakapanglulumo na mismong ang kapwa Filipino pa natin ang nagtutulak sa kabataan para kalimutan
nito ang pagkilanlan sa sarili niyang wika.
ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING
WIKA AY HIGIT PA SA MALANSANG ISDA.
No comments:
Post a Comment