OFFICIAL STATEMENT ON THE LIFTING OF THE BAN ON OPEN-PIT MINING
MITCHSITIO
gabay sa pagpapataas ng antas ng kaisipan at kaalaman karagdagan maghahatid ng mga pinakabagong balita at impormasyon
Followers
Sunday, January 2, 2022
OFFICIAL STATEMENT ON THE LIFTING OF THE BAN ON OPEN-PIT MINING
MGA DAMBUHALANG BUWAYANG MINERO MAY BASBAS NG BUMALIK.
MGA DAMBUHALANG BUWAYANG MINERO
MAY BASBAS NG BUMALIK.
Ni: Michael “Mitch” C. Santos
MGA DAMBUHALANG BUWAYANG MINERO MAY BASBAS NG BUMALIK.
Ilang lingong nakalipas
bago matapos ang taong 2021 ay Nilagdaan ni Environment and Natural
Resources Secretary Roy Cimatu ang isang Administratibong
kautusang No. 2021 -40 na nagpapawalang bisa sa “Tigil Mina”. Ito ang paglilinaw ni Mines and Geosciences
Bureau Director Wilfredo Moncano. Sa ilang mamamahayag.
Isinulong at ipinatupad ng
Gubyerno noong 2017 ang pagpapatigil sa industriya ng mga dambuhalang minahan
sa bansa, sa pangunguna ng dating namayapang DENR Chief Gina Lopez. Bunsod ng kaliwa’
t- kanang batikos ng mga grupong maka- kalikasan at mamamayang labis na
naapektuhan sa kapabayaan ng mga buwayang kapitalista sa industriya ng minahan.
MAS NAUNANG PAGBIBIGAY NG BASBAS NI PANGULONG DUTERTE SA MGA GANID NA
LOKAL AT DAYUHANG NAMUMUHUNAN.
Nito lamang Abril 2021 ay lumagda
ang Pangulong Duterte sa EO 130 na nagsasabing maaari ng umupo ang Gubyerno at
ang mga namumuhunan sa pagmimina. Para sa bagong mineral agreement batay na rin
sa Philippine Mining Act of 1995 at iba pang batas. Pinawalang bisa ng
Administrasyon ang ipinatupad na moratorium sa pagmimina.
Kaya bago pa man ang paglagda ni
DENR Sec. Roy Cimatu sa pagpapawalang bisa ng “Tigil Mina”, ay nakapag-iisyu na
sila ng exploration permit batay sa sa umiiral na batas at mga pamuntunan. Ang
EO 130 ay may malinaw na istraktura ng panghihikayat ng Gubyerno sa mga iresponsableng
mamumuhunan sa bansa.
Habang ikinakahon nman ang kaisipan
ng mga mamamayan na ang open- pit mining ay pinaka mapagkakatiwalaan sa
kaligtasan ng kalikasan, tao at kabuhayan kung kaya nman ang sistemang ito nang
pagmimina ang siyang ginagamit sa buong mundo.
Bukod sa ipinagmamayabang na kaligtasan,
paglikha ng maraming trabaho ay makakapag ambag din daw ito sa pagbangon ng
ating ekonomiya at kahirapan ng buhay ng maraming Pilipino, at paghuhugutan daw
natin ito ng ipangbabayad sa napakalaking inutang ng Gubyerno sa iba’t- ibang bansa. Bunsod ng
pandemyang kinakaharap natin.
1 SAMBAYAN ZAMBALES AT PHILIP CAMARA MADIIN NA KINONDENA ANG ANG AO
2021- 40 AT AO 130. O NAGPAPAWALANG
BISA SA “TIGIL MINA” AT PAGPAPAALIS SA MORATORIUM SA PAGMIMINA.
Pagtatraydor sa Bansa at Mamamayan
para sa pangangalaga ng kalikasan para sa tao. Ang naging aksiyon ng DENR. Sa
tila bukas palad nitong pagpapasok sa open pit mining, coastal mining at sa iba
pang mapanirang industriya na walang kongkretong proteksiyon sa kalikasan para
mapangalagaan ang kalusugan ng mga tao sa paligid nito at sa kanilang
kabuhayan.
“Sa pagbuo ng desisyon at anumang
batas na ang prayoridad ay kumita ng limpak ay lumalayo ka na sa iyong responsibilidad
bilang gubyerno ng iyong nasasakupan at ang impluwensiya mo ay wala ng kontrol
sa paggamit nito dahil sa iyong negosyo, kapital at kikitain ito na ang mas
mahalaga kesa sa kapakanan ng mga tao. – Gina Lopez
Kakatwang isipin ang mariing sinasabi ng Gubyernong Duterte na
sa pagbubukas muli ng industriya ng mining ay makakakuha na tayo ng pambayad sa lumobo nilang inutang,
malamang mas uunahin magpakabusog ng
husto ng mga ganid at hindi rin naman nito tutugunan ang pangangailangan ng
marami.
Apat na taong mula ng maisara ang
mga malalaking minahan sa Zambales. Muli ay nangangamba ang mga Zambalenyo sa
muling pagbabalik ng mga dambuhalang minahan. Dahil sa pagmimina ang Kalikasan
Kabuhayan at buhay ng mga nasa paligid nito ay nalalapit nanaman sa panganib di
malayong muling baba mula sa kabundukan ang mga nickel laterite o ilang yaman
mineral na tatabon sa malalawak na sakahan, palaisdaan, ilog at maging sa ilang
bahagi ng mga dalampadigan.
Pinawalang bisa ng
Administrasyong DUterte ang “Tigil Mina” para sa “KITA MULA SA MINA” Taliwas sa
Konstitusyon, dapat pangunahan ng mga
nasa gubyerno ang pagpreserba ng kalikasan para sa mamayan at sa susunod nating
saling lahi.
Sabi nga ni Aspirant for 2nd District Representative ng Lalawigan ng Zambales Former DENR Undersecretary for Field Operation Philip Camara, sa panahon ni dating DENR Secretary Gina Lopez. Ito ang tamang panahon ngayung 2022. Bukas ang ating pinto para sa pagkakaroon ng mga tunay na lider mamili tayo ng magtatangol para sa pakikipaglaban sa karapatan magkaroon tayo ng malusog, balance at produktibong environment para sa tao
Monday, December 6, 2021
“Madaling makipagtalo mas radikal ang magmahal”
“Madaling makipagtalo
mas radikal ang magmahal”
Tapat na Pamumuno
Ni: Michael “Mitch” Santos
Sa pagbubuo ng 1 SAMABAYAN
Zambales. Ang malawakan koalisyon ng demokratikong pwersa ay hindi naging
madali para sa atin ang napakaraming pagsubok at hamon ang sa atin ay patuloy
na humaharang para malimitahan ang malaya at sama- sama nating pagkilos at pag-
sigaw na “tama na, ayaw na natin ng panibagong anim na Taon na pamumuno ng mga
kasalukuyang nasa Administrasyon.
Ayaw na natin sa sinungaling, bastos,
isip pulbura, palaging tulog, walang pagmamahal
sa soberenya ng bansa, at mas lalong ayaw na rin natin na ibalik pa ang
magananakaw o nagpapasasa sa nakaw na yaman at sa buwis ng mamamayan. Walang
sinuman ang makakapagpigil sa ating mga pagpapahayag, pagsigaw na gusto natin
ng pagbabago at Tapat na Pamumuno.
1SAMBAYAN ZAMBALES- OLONGAPO FREEDOM CARAVAN.
Hindi man namin napantayan ang
kasing dami o laki ng numero ng mga ibang nagsasagawa ng Caravan ng mga
malalaki at mapeperang Politiko ay natitiyak naman naming na naging matagumpay ang
aming isinagawang “FREEDOM CARAVAN.” Dahil
mula sa puso at paglilinaw sa mga isyung kinakaharap ng bansa at mamamayan sa
kasalukuyan ang aming naging imbitasyon nang mga nasa Komunidad. Hindi ang
pagbili o pagtapat ng kung magkanong halaga
ang sa kanila ay aming ibibigay.
Leni – Kiko 2022, para sa Pagbabagong tunay at tapat na pamumuno.
“Madaling makipagtalo
mas radikal ang magmahal”
Saturday, February 13, 2021
HUMALING 2021
HUMALING
Ikaw ang pinakababorito kong parte ng buhay ko.
Sa pagdaan ng panahon ako'y patuloy na nahuhulog na sa iyo.
May saysay ang bawat letra.
Na patuloy na bumibihag sa puso kong umaasa.
Habang unti- unti mong pinadarama sa puso kong umiibig ang kabiguan.
Ako at ikaw ay tila impobsible na yata talaga sa pangarap kong pagibig.
Ngunit hidi ko maramdaman ang hudyat ng pagsuko kailanman.
Magpapatuloy ng buo ang pag- asa sa iyo na may pananalig.
Mananatiling andito lang ako at hindi susuko.
Maghihintay na mapansin mo,
Na tila imposible atang manyari ito.
Akoy, patuloy na HUMALING sa iyo.,
Hindi titigil na magmahal, kahit walang tayo.
